Saturday, November 18, 2017

Asignaturang Filipino sa aking buhay.

Malaking bagay ang naibabahagi sa ating mag-aaral ng asignaturang filipino lalong lalo na sa katulad ko na nasa kolehiyo. Isa ito sa magiging daan upang mapagbuti ko ang aking galing sa pakikipag-komunikasyon at sa pagharap ko sa bagong bukas at sa  pang araw araw ko na pamumuhay. 

Isa sa mga natutunan ko sa pag aaral dito ay ang tamang paggamit ng wika at tamang pagbigkas nito. Nalaman ko din ang ibat-ibang mga pamamaraan ng pagsusulat. Ang pagkakaroon ko ng kamalayan sa retorika na dati ay hindi ko mawari. Ang paggamit ng mga angkop na salita at idioma, Kamalayan sa paggawa ng talata, komposisyon, journal, blog/vlog at marami pang iba.

Ang pag aaral ng asignatura na ito ay nangangailangan ng sipag at tiyaga sa pagbabasa. Pagbubukas ng iyong malawak na kaisipan at pakikipag-kominikasyon. Ito ang mga bagay na sa tingin ko ay kailangan na mapagbuti upang lalong mas maintindihan at maunawaan ang kahalagahan nito.

Bagama't ito ay maituturing na mahirap na asignatura  para sa iba, Ang asignaturang filipino ay maituturing ko na isa sa masaya, kapanapanabik at challenging na asignatura sa kolehiyo. Dahil sa asignaturang ito ay nailalabas natin ang ating mga natatagong galing sa pagsasalita, pagsusulat at pakikipag-usap gamit ang mga ibat ibang paraan gaya na lamang ng Journal at blog na ito.

Sana ay nakatulong ang lahat ng ito upang mas malaman ninyo  ang kahalagan ng asignaturang filipino sa ating pag-aaral. Nawa ay maging gabay ito upang lalong mapalawak ang inyong kaisipan ukol dito. 

6 comments: